Your Beauty
Your beauty is somewhat a dream in my heart a paradise allure and charm.
Pano ever earning love, what should I do say.
Although my heart is not possessed and it was not visible.
In heaven, the clouds I napatitig.
wretched heart was dreaming pray you will hopefully someday
sakin bisig sana'y ikaw ay aking maangkin.
Makatang Katoliko
Huwebes, Abril 3, 2014
Biyernes, Disyembre 20, 2013
Bunga ng kasawian.
Bunga ng kasawian
Sa aking paglalakad ako'y nagmuni-muni.
Siguro'y nga'y panahon na para harapin ang isa sa aking mga pangarap.
Kalimutan ang makamundong pagnanasa at sa Diyos ay magtuon.
Ilaan ang buhay at sa kanya'y maglingkod.
Mga pait ng nakalipas huwag nang damdamin.
Buksan ang isipan tungo sa tunay na kabanalan.
Ihayag ng may damdamin ang bawat salita ng May Likha.
Isang Patutsada
Isang patutsada
Tulad nya'y perlas, kala ko mamahalin.
Lumipas ang mga araw kulay nagdilim
Kaibigan kong tinuring ahas pala sa dilim.
kataga nya'y may laman sa loob ay may kapahamakan
Bakas siya nakalipas na ayoko ng balikan.
Tao'y kanyang napaikot, ngunit di rn nagtagal
Pagkat kanyang tunay na kulay akin ng nasilayan.
Biyernes, Disyembre 13, 2013
Salamat sayo
Salamat sayo
Ang iyong pagdating ay tulad ng isang himala.
Maamo mong mukha at ugali mong kaaya-aya,
Tunay na ligaya sa puso kong lumuluha.
Salamat sayo, anghel ka ng puso ko.
Ang iyong pagdating ay tulad ng isang himala.
Maamo mong mukha at ugali mong kaaya-aya,
Tunay na ligaya sa puso kong lumuluha.
Salamat sayo, anghel ka ng puso ko.
Sumpain ang araw ng aking pagsilang

Sumpain ang araw ng aking pagsilang
Maglaho nawa ang araw ng aking pagsilang
at ang gabi ng paglilihi sa akin.
Magdilim na nawa ang araw na iyon
at huwag alalahanin ng Diyos, ni sikatan pa ng liwanag.
Angkinin iyon ng anino ng kamatayan,
tabingan ng ulap,
at harangan ng kadiliman.
Maging madilim ang gabing iyon,
huwag ibilang sa mga araw ng taon,
huwag ipasok sa kanilang kabuuan.
Ang gabing iyon - a, nawa'y maging mapanglaw,
wala nawang makaabot na sigaw ng kagalakan.
Sumpain iyon mga namumuhi sa liwanag,
ng mga Diyablo tumatawag.
Magluksa ang mga tala nito sa bukanliwayway,
mawalang- saysay ang paghihintay sa liwanag,
at kailanma'y di makita ang liwayway,
dahil hindi niyon sinarhan ang sinapupunan
upang di ko na makita kahirapan.
Bakit di pa ako namatay nang isinilang,
o sana'y wala nang hininga nang iluwal?
Bakit may mga tuhod pang tumanggap sa akin,
at dibdib na nagpasuso sa akin?
Noon pa sana'y natulog na ako't namayapa
sa piling ng mga hari at mga pinuno ng lupa
sa ipinatayo nilang libingang mararangya,
o ng mga prinsipeng may gintong kapiling
at kinabuburulang may pilak sa loob.
Bakit hindi ako iniluwal na agas,
gaya ng ibang di nasilayan ang liwanag?
Doo'y walang nanliligalig na tampalasan,
doo'y maginhawa ang mga bilanggo,
walang naririnig na tinig ng bantay.
doon ang maliit at malaki'y pantay-pantay,
doon ang alipi'y walang panginoon.
Bakit binibigyan ng liwanag ang sawimpalad,
at ng buhay ang namimighati
na naghahangad ng kamatayan - ngunit wala naman -
at hinahanap nila ito higit pa kaysa kayamanan.
Natutuwa pa sila pagsapit ng libingan.
Bakit liliwanagan pa ang nasa kubling landas
at hinahadlangan naman ng Diyos sa lahat ng panig?
Pagdaing ang idinudulot sa akin sa halip na tinapay,
at parang tubig namang bumubuhosang aking lungkot.
Pagkat sumapit ang kinatatakutan ko,
naganap ang pinangingilabutan ko.
Wala akong kapahingahan o kaginhawaan;
bagabag lamang, at walang kapayapaan!
Ang tulang ito ay mula sa aklat ni Job
Pagsamo
O Diyos ko dinggin mo aking pagsamo.
Buhay ko'y iyong bigyan direksyon.
Pangarap ko't hilig sana'y magkaroon ng katuparan.
Aral mo't mga salita akin sana'y maipahayag at maisabuhay.
Ako sana'y iyong tanggapin. Bilang isang kabahagi at tapat na lingkod. Buhay ko'y iaalay para sa iyong kaluwalhatian.
Puso ko't isipan sayo ko itutuon pagmamahal sa kapwa akin sanang maibahagi tulad ng iyong binilin.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento
(
Atom
)



