Biyernes, Disyembre 20, 2013

Bunga ng kasawian.



Bunga ng kasawian

Sa aking paglalakad ako'y nagmuni-muni.
Siguro'y nga'y panahon na para harapin ang isa sa aking mga pangarap.
Kalimutan ang makamundong pagnanasa at sa Diyos ay magtuon.
Ilaan ang buhay at sa kanya'y maglingkod.
Mga pait ng nakalipas huwag nang damdamin.
Buksan ang isipan tungo sa tunay na kabanalan.
Ihayag ng may damdamin ang bawat salita ng May Likha.

Isang Patutsada



Isang patutsada

Tulad nya'y perlas, kala ko mamahalin.
Lumipas ang mga araw kulay nagdilim
Kaibigan kong tinuring ahas pala sa dilim.
kataga nya'y may laman sa loob ay may kapahamakan
Bakas siya nakalipas na ayoko ng balikan.
Tao'y kanyang napaikot, ngunit di rn nagtagal
Pagkat kanyang tunay na kulay akin ng nasilayan.


Biyernes, Disyembre 13, 2013

Salamat sayo

Salamat sayo

Ang iyong pagdating ay tulad ng isang himala.
Maamo mong mukha at ugali mong kaaya-aya,
Tunay na ligaya sa puso kong lumuluha.
Salamat sayo, anghel ka ng puso ko.

Sumpain ang araw ng aking pagsilang



Sumpain ang araw ng aking pagsilang

Maglaho nawa ang araw ng aking pagsilang 
at ang gabi ng paglilihi sa akin.
Magdilim na nawa ang araw na iyon 
at huwag alalahanin ng Diyos, ni sikatan pa ng liwanag.
Angkinin iyon ng anino ng kamatayan,
tabingan ng ulap,
at harangan ng kadiliman.
Maging madilim ang gabing iyon,
huwag ibilang sa mga araw ng taon,
huwag ipasok sa kanilang kabuuan.

Ang gabing iyon - a, nawa'y maging mapanglaw,
wala nawang makaabot na sigaw ng kagalakan.
Sumpain iyon mga namumuhi sa liwanag,
ng mga Diyablo tumatawag.
Magluksa ang mga tala nito sa bukanliwayway,
mawalang- saysay ang paghihintay sa liwanag,
at kailanma'y di makita ang liwayway,
dahil hindi niyon sinarhan ang sinapupunan
upang di ko na makita kahirapan.

Bakit di pa ako namatay nang isinilang,
o sana'y wala nang hininga nang iluwal?
Bakit may mga tuhod pang tumanggap sa akin,
at dibdib na nagpasuso sa akin?
Noon pa sana'y natulog na ako't namayapa
sa piling ng mga hari at mga pinuno ng lupa
sa ipinatayo nilang libingang mararangya,
o ng mga prinsipeng may gintong kapiling
at kinabuburulang may pilak sa loob.
Bakit hindi ako iniluwal na agas,
gaya ng ibang di nasilayan ang liwanag?

Doo'y walang nanliligalig na tampalasan,
doo'y maginhawa ang mga bilanggo,
walang naririnig na tinig ng bantay.
doon ang maliit at malaki'y pantay-pantay,
doon ang alipi'y walang panginoon.

Bakit binibigyan ng liwanag ang sawimpalad,
at ng buhay ang namimighati
na naghahangad ng kamatayan - ngunit wala naman -
at hinahanap nila ito higit pa kaysa kayamanan.
Natutuwa pa sila pagsapit ng libingan.

Bakit liliwanagan pa ang nasa kubling landas
at hinahadlangan naman ng Diyos sa lahat ng panig?
Pagdaing ang idinudulot sa akin sa halip na tinapay,
at parang tubig namang bumubuhosang aking lungkot.
Pagkat sumapit ang kinatatakutan ko,
naganap ang pinangingilabutan ko.
Wala akong kapahingahan o kaginhawaan;
bagabag lamang, at walang kapayapaan!

Ang tulang ito ay mula sa aklat ni Job 

Hanggang kailan


Pagsamo





O Diyos ko dinggin mo aking pagsamo.
Buhay ko'y iyong bigyan direksyon.
Pangarap ko't hilig sana'y magkaroon ng katuparan.
Aral mo't mga salita akin sana'y maipahayag at maisabuhay.
Ako sana'y iyong tanggapin. Bilang isang kabahagi at tapat na lingkod. Buhay ko'y iaalay para sa iyong kaluwalhatian.
Puso ko't isipan sayo ko itutuon pagmamahal sa kapwa akin sanang maibahagi tulad ng iyong binilin.

Halaga ng buhay



Ano ang halaga ng buhay at kayamanan kung sa Diyos tayo ay mawala'y. Aanhin mo ang laht ng iyan kung sa pagtanda mo'y ika'y may takot s iyong kamatayan dahil ika'y di sumunod sa kanyang kalooban at inuna ang makamundong pag-nanasa. Sa ating kamatayan tayo ay mag-isang haharap sa Diyos. Sana pagharap natin sa kanya tayo ay may mukhang ihaharap at tapang dahil tayo'y tunay na naging bahagi niya.

Sino nga ba ako









Sino nga ba ako 

Ako'y isang larawan ng kaapihan
Biktima ng sitwasyong di ko pinangarap ni hindi ko pinagplanuhan.
Tulad ko'y isang ibong walang pakpak.
Nakatingin sa alapaap at nangangarap.
Pilit na itinanggi pagkat tulad ko'y isang kadiliman na iniiwasan.